Note: I made this letter for my first guy best friend at same date but 3 years ago. I just want to post this in my blog 'coz why not? He deserves to be remembered & let's also have a little throwback from my JHS years. π
Hi Baste!
Do you still remember my nickname to you?
Alam mo ba kung saan ko nakuha ang 'Baste' dahil sa kakabasa ko sa wattpad nun hahaha at tignan mo nga naman tinatawag ko na sa'yo hanggang ngayon. Alam ko rin na ako lang ang tumatawag sa iyo niyan.
Paano nga ba nagstart ang friendship natin? Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung sino ba sa atin dalawa ang una nagapproach. Hahaha. Basta ang alam ko lang you were God sent to me.
Alam mo naman na 'loner' ako noon di ba sa school natin? I had two best friends pero hindi ko sila naging kaklase. Minsan lang kami nagkakasabay kumain dahil kasabay na nila kumain sa lunch yung mga kaklase at friend na rin nila kaya ako sumisingit lang ako kahit na puno na sila sa isang table. Nakakaloka noh?
Then everytime may activity at kailangan ng partner. Wala ako mahanap. Kung sino lang ang natira, sila na partner ko.
Until you came.
Grade 9 tayo nun at naalala ko na late ka na nakapagenroll. Naririnig ko rin sa mga kaklase ko nun na may 'New Transferee'. Inisip ko na baka ikaw na ang ipinadala ni Lord sa akin. Tapos narinig ko pa ulit sa mga kaklase ko nun na 'May mga naging kaklase ka pala sa mga kaklase ko.' So I felt a little bit of disappointment. Iniisip na 'loner' na naman ako.
Nung nagtransfer ka, gusto ko ako ang unang magapproach sa'yo pero naunahan ako at saka kaklase kasi natin yung dati mo kaklase nung Elementary yata. Kaya hindi na ako umasa na magiging magkaibigan pa tayo dahil may nakauna na eh. Saka as if naman magugustuhan mo akong kaibigan. Ang boring ko kaya kasama.
Pero mukhang naawa yata sa akin si Lord kaya hindi ko na alam kung paano nagsimula ang lahat. Naramdaman ko na lang na naguusap na pala tayo. Unlike noon na wala ako mahanap na partner pero bigla ka tumabi sa akin sabay sabing 'Tayo na ang magpartner' Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nun. Hindi na rin kita tinanong kung bakit. Pero alam ko sa sarili ko na masaya ako dahil finally may partner na rin ako.
Naalala ko rin na may group activity tayo nun sa P.E. Kailangan gumawa ng sariling 'waltz' dance at tayo ulit nagpartner nun. Tapos may isa tayong kaklase na kagroup natin na nakiusap sa akin na magpalit daw kami ng partner. Narinig mo rin yun. Yung kaklase naman natin I think pinapili ka pa niya kung sino sa amin dalawa. Sa totoo lang, kinabahan ako nun kasi first of all, comfortable na ako sa'yo at first time ko naramdaman yung ganung feeling. Pero ako pa rin ang pinili mo. Hindi na ulit kita tinanong dahil mas lamang ang kasiyahan ko nun. Kaya nga everytime naririnig ko ang 'Can I Have This Dance?' ng HSM 3, ikaw ang naaalala ko eh.
Yung JS Prom natin, hindi ko na naman inaasahan na first dance natin ang isa't isa. Huhuhu. Grabe ka talaga!
Tapos nung Grade 10 na tayo, bumalik ka na ulit sa dati mong school sa PUI. Oo, naging malungkot ulit ang buhay ko pero nakakatuwa pa rin kasi hindi natatapos ang communication natin dalawa. Sayang nga lang dahil hindi man tayo lumabas para kumain at for bonding na rin. At saka nung malapit na tayo magSHS, ikaw ang unang sinabihan ko na sa UPang ko na itutuloy SHS ko tapos sabi ko pa sa UPang ka na rin at naalala ko na nagshift ako ng ABM kasi gusto ni Mama kunin ko sa college ay HRM kaya lang bumalik ulit ako ng STEM.
Ikaw din ang unang kaibigan ko na tumawag at nakipagvideo call sa akin nung pumunta kami sa Saudi A. Naalala ko rin na humihiling ka ng pasalubong na bag. Nagsend ka pa ng picture nun. Hahaha. Sabi ko 'Ano ako? OFW? Hindi pa nga ako tapos eh.' Kaya chocolates na lang pasalubong ko muna sa'yo pero hindi ko naibigay. ☹️ Tanga ako eh! ππ
Sorry, Baste, Sorry..... Hindi ko alam na ganun pala. πΆ Nagulat na lang ako nung chinat ako ni ate Vannessa na 'Wala ka na..." Sa una, hindi ako naniwala pero nung binisita ko ang Profile mo. Like shit. B-Bakit? P-Paano? Alam mo ba nung kinabukasan na yun ay exam namin. Hindi ako masyado nakapagreview nun dahil ikaw ang nasa isip ko at kung ibabalik ko lang time na yun 'Sana hinintay ko na lang kayo ng kasama mo para maibigay ko sa'yo yung gift ko para sa'yo.' Kahit sa huling pagkakataon ay napasaya kita but it was too late. π€
Kaya rito ko natutunan yung "It's now or never" at kapag may gusto kang ibigay na regalo sa isa sa mga mahahalagang tao sa buhay mo ay "It's better to give than regret later." ☺