Pages

2026-09-10

Lost & Found

 2 Corinthians 5:17

If anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here! 

Old self

  • No acceptance sa past & awareness sa sarili ko at sa paligid ko.
  • Sobrang hard ko sa sarili ko & I'm overly emotional
  • Full of insecurities
  • Nahihiya ako lumapit sa Kanya at magpray kasi pakiramdam ko hindi ko deserve.

New self: (when I met Him during my brokenness & receive Christ in my heart & in my life)
  • Nagkaroon na ako ng acceptance sa mga nangyari at mas naging aware ako sa sarili ko at sa paligid ko.
  • Nagkaroon ako ng wisdom kung paano ko i-handle ang sarili ko at pati ibang tao, most especially the challenging & difficult ones.
  • Found my true identity in Christ, not defined by my past & insecurities.
  • Hindi na ako nahihiya lumapit sa Kanya at magpray para humingi palagi ng guidance & protection at kahit nagkasala pa ako ng maliit.
That's how powerful God is as long as you are willing to give fully of your heart to JESUS

I am making everything new!
- Revelation 21:5 -

Signs you are growing in CHRIST
"If we live in the Spirit, let us also walk in the Spirit."
(Galatians 5:25)

1. You want to please God more than anyone else.
2. You do not want to neglect the Word of God
3. You pray more rather than to feel anxious, doubt, fear or worry. 
4. Asking God's guidance for discernment & His wisdom to avoid regret.
5.You're allowing the Holy Spirit to guide your mind, your word, your action and most especially your heart; wearing the Full Armor of God.
6. You're enjoying the present moment without living in the future or in the past.
7. Being more appreciative & grateful for what God has given in your life.
8. Forgive easily and don't hold grudges because you deserve inner peace.
9. You're turning away from sin & working to overcome your old bad habits because you want to glorify the Lord. 
10. You're becoming more patient with yourself, with everyone, especially difficult people, and in every situation.
11. Whenever you make mistake, whether by deed or word, even if it's something small, you reflect on it, learn from it and ask God for forgiveness.
12. You get excited whenever you listen to a homily or preach that is connected to your life and relatable to you.
13. You're more interested in listening to worship songs rather than worldly songs, whether you're happy and at peace or going through a difficult time.
14. You're not afraid to die because you are walking with Jesus and He's living inside you.  
15. Leaving a legacy in this world is not your top priority; bearing good fruit, being a prayer warrior & becoming a living testimony.

A Stranger to Myself (Part II)

Hindi ko akalain na nagsa-suffer pala ako sa identity crisis mula noong high school pa ako. Mas lumala lang noong college. Sa totoo lang, nalaman ko lang ito ngayong nasa Mid-20s na ako. 

Nagsimula yan nung after Pandemic, hindi ko na alam kung tama pa ba ang iniisip o ginagawa ko. Hindi ko alam basta ang nararamdaman ko noong time na 'yon ay para akong lumulutang sa ere at wala ako sa sarili (not in a way na nababaliw) tulad ng sinasabi nila sa akin noon. I-highlight ko na lang kung ano yung mga nangyari at nagawa ko.

2021:

1. I punished myself because I feel like I don't deserve everything and most especially to live.
2. Katatapos lang ng 2nd semester (3rd year college), naisipan ko na hindi muna magInternship agad. Mabuti na lang kasi sumang-ayon yung panahon sa akin: una, si Ate ko ay nangangailangan pala ng malaking pera at pangalawa, sabi rin nung isa sa mga Prof ko na hindi worth it ang online internship.
3. Heto nagcollege break muna ako, nasa bahay lang ako at mabuti rin dahil nagupload pala ng mga full episodes ng Pepito Manaloto ang Youlol at yung Be Careful With My Heart sa IWantTV (hindi ko lang natapos yung BCWMH kasi need na magbayad) kaya kahit paano ay may pinapanood ako na nagpapagaan ng anxiety ko. 
4. Kapag hindi ako makatulog dahil inaatake ako ng anxiety ko, tumatabi ako kay Mama para roon matulog. 

2022:

1. Kakastart lang ng New year at nabanggit sa akin ni Mama na nangangailangan daw ng kamag-anak namin ng reliever na magaalaga kay Lola (Auntie nila Mama) sa hospital. Nagvolunteer ako kasi wala rin naman ako magawa sa bahay at para madivert ulit ang sarili ko.

    Fast forward, tumira ako ng 1 month sa kamag-anak namin pero doon ako pinatulog sa bahay nila Lola kasi may bakanteng kwarto roon. Sa totoo lang, pwede naman ako umalis after ng hospital pero ewan ko ba kung bakit pinili ko magstay hanggang sa makauwi si Lola. Tapos noong 2nd-3rd week of February ay doon na nagstart ang problema sa dalawang caregivers ng dalawang Lola at hindi ko ulit alam ang gagawin ko noong time na iyon kaya nagdecide ako na umuwi muna sa bahay namin. 

2. Bumalik na rin ako sa college para maituloy yung nasimulan kong course at bago raw ako magintern ay may mga kailangan pa akong itake na tatlong subjects. 

2023:

This is it!!! Intern na rin ako! Syempre, nagpray muna ako sa Lord na 'Sana sa huling taon ko sa college ay maging memorable at may mga mameet at maranasan ko ulit yung parang sa SHS.' and you know what he answered my prayer. That's where I met kuya Alwind na naging guide namin, ate Jem na prayer warrior, Iverson na Techie guy, hindi madamot sa knowledge at mahilig mag-ayos ng mga bagay & Sherwin na nagpapa-balance sa lahat. Sa totoo lang, isa sila sa mga dahilan kung paano ko natutunan maging confident despite of imperfections, handling difficult people and having a self-awareness.

Share ko lang din yung last church namin ni ate Jem bago siya umuwi sa province namin. Nasa Manila kami that time. Napansin ko kasi na parang teary-eyed siya and then I asked her why tapos tumingin siya sa akin with a smile sabay sabing "I hope you will find the light, Bel." dahil medyo sarado pa yung isip ko noong time na iyon kaya parang insult ang dating sa akin pero pinili kong hindi magsalita about doon. Then after almost 3 years, doon ko narealize kung ano yung 'Light' na sinasabi niya sa akin pero bibitinin ko muna kayo ngayon.

2024:

1. Finally!!! College graduate na rin ako noong January 27, 2024. Alam niyo ba hindi ko talaga naramdaman yung excitement noong grumaduate ako kahit kasama ko pa si Mama noon. Hindi ko rin alam kung bakit. Binigla ko nga lang ang nanay ko na Graduation ko na bukas eh. Wala man lang excitement, effort at readiness. Basta matapos lang yung araw na iyon ay okay na. Wag niyo ako awayin ha. Maski ako hindi ko talaga alam kung bakit naging ganyan ako. 

2. March 2024: Hindi ko alam kung bakit napadownload ako ng Bible app sa phone ko at nagsearch kung paano basahin ang Bible at saan magsisimula kasi marami eh. Then I started to read Book of 'John'. Habang nagbabasa ako, para kang nanonood ng horror movie pero hindi dahil sa goosebumps na nararamdaman mo at ang mas tumagos na salita sa akin ay yung sinabi ni Jesus na "If the world hates you, keep in mind it hated Me first." (John 15:18) Doon na rin nagstart yung pakikinig ko ng worship songs. Noong natapos kong basahin yung Book of John ay nandoon pa rin yung attack ko hanggang sa nagdecide na ako na gumawa ng blog at kilalanin ang sarili ko kaya roon nagstart yung pagkakaroon ko ng self-awareness.

3. Naisip na namin ni Mama na ituloy na yung plano na magkaroon ng 'Sari-sari store' para hindi rin kami palagi sa kwarto. 

4. Nagpatingin na rin ako sa Psychiatrist para maresetahan ako ng gamot na dapat sa 2021 pa pero hindi ko na tinuloy at kahit paano naman ay may konting improvement pero nandoon pa rin yung attacks ko.

2025:

1. Bumalik ulit ako sa school para magtake na ng Pre-board exam para matapos na at thankfully because I miraculously passed. 
2. Nagtry na rin ako magtake ng board exam pero hindi ako nakapasa dahil na rin sa mga attacks ko at hindi pa rin ako ready.
3. Sinubukan ko rin maghanap ng trabaho dahil inaamin ko na may mga naging utang ako na kailangan kong bayaran at para kahit paano makahanap ulit ako ng diversion pero wala tumatanggap sa akin dahil sa wala akong work experience.
4. August 06, 2025: Nagkaroon na ako ng work at dito na ulit nagbago ang sarili at buhay ko.

Noong second day ko sa work yung señior work colleague / mentor ko ay pinabunot ako sa mga bible verses at ang nabunot ko ay "Submit yourselves to God then resist the devil, and he will flee from you." (James 4:7) Hindi ko ulit maintindihan kung bakit iyan ang nabunot ko pero alam niyo ba sa ilang buwan ko sa work ko, doon ko rin narealize kung ano pala ibig sabihin niyan at kung bakit sinabi rin ni ate Jem sa akin na mahanap ko yung 'Light' kasi may malaking puwang pa rin sa puso at sa buhay ko kahit na naniniwala at nagtitiwala ako sa Kanya pero hindi pala Siya yung center.


“I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, 
but will have the light of life." 
- John 8:12 -

2026-09-06

A Stranger to Myself (Part 1)

I am Mary Isabel M. Gubatan and I was born on 07 February, 2000 at Dagupan City, Pangasinan. My parents are Jonas & Marlene Gubatan. I have one brother & one sister so yeah I am the youngest. Ang nakakaloka lang ay 15-16 years ang age gap ko sa mga kapatid ko. O di ba ang layooo! Ewan ko ba sa parents ko kung bakit ganyan ang napili. Haaay.. 

Sabi ni Mama, bata pa lang ako ay well-behaved na ako at marunong na ako sa gawaing bahay at magayos ng mga gamit na hindi pa ako natuturuan. Awww. Sana all! Mahilig din ako maglaro noon pero hindi yung inaakala niyo na palaging nagbibilad sa araw at naglalaro sa kalye kundi maglaro ng Pretend Play katulad ng bahay-bahayan, luto-lutoan, teacher-teacheran, doctor-doctoran, etc. Kung wala naman yung mga kalaro ko ay naglalaro pa rin ako mag-isa with my stuff toys at minsan kapag may time, nakikipaglaro sa akin si Mama at yung dalawang kapatid ko sa akin. 

Hindi ko rin masyado naramdaman yung pagdisiplina sa akin ng mga magulang ko sa akin. Naging cool nga lang yung parents ko sa akin eh while embracing me with their love, care & protection. Kung inaakala niyo na spoiled ako dahil bunso ako. Nagkakamali kayo. Kaya nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit hindi ako gaano nadisiplina ng mga magulang ko ay lumaki pa rin ako na mapagmahal, malambing at masunurin na anak sa kanila hanggang ngayon na malaki na ako. 

Noong nagJuñior High School na ako, masasabi ko na ang boring ng 4 years ko sa High School.  Why? Inaamin ko rin na hindi ako yung inaakala niyo na mahilig magrecite sa klase, lapitan ng mga classmates kasi attractive o matalino, binoboto na maging officer sa klase, palaging hakot awards sa recognition day at active sa school organizations. 

Hahaha A BIG NO-NO. Kabaliktaran ako sa lahat. Tahimik. Mahiyain. Average. Inactive. Incompetent due to lack of determination & not being Goal-driven. Unattractive (kahit hindi maging palaayos). Unpopular.

Ang naalala ko lang na nagawa ko noon...
 
  • Tinatamad pumasok sa school kaya nalalate at excited kapag uwian time na. 
  • Laging gusto umupo sa likod sa dulo.
  • Mahina sa Math at English kaya lagi nasa remedial & summer class
  • Walang macall a friend o makausap sa loob ng classroom kahit friendly naman ako at hindi nangangain ng tao pero favorite asarin ng mga kaklase. 
  • Pasimpleng tumatakas kapag may recitation at magsasakit-sakitan para makapunta sa clinic, lalapit sa Teacher at ibubulong yung mababang score sa quiz sabay sabing 'Ma'am, may I go to lavatory?'
  • Mahilig tumambay sa library after lunch kapag may remaining time pa at during 3pm breaks bago magklase ulit either magrereview, pasimpleng matutulog o makikipagusap sa librarian.
  • Laging nakabuntot sa dalawang kaibigan ko noon kahit never kami pinagsama sa iisang section.
  • May mga sinalihan din akong school org katulad ng Book Club (Grade 8) & Liturgical club (Grade 9) pero noong Grade 10, wala na. 

O di ba, ang saya? Ganyan lang ang naging buhay ko. Nothing interesting. I'm just a chill yet lonely student during my JHS days. 

Noong nagSenior High School na ako ay doon na nagbago ang buhay ko. Parang nagkaroon ng rainbows sa mala-black & white kong buhay noon. Praise God kasi pinasagi niya sa isip ko na lumipat na akong ibang school at iwan na lahat kung anuman ang mga hindi naging maganda na memories ko sa dating school. 

Masasabi ko na lahat ng pinangarap ko sa 4 years ko sa JHS ay tinupad ng Lord sa dalawang taon. Dito lumabas yung extroverted side ko at yung pagiging bubbly ko na akala ko noon wala sa akin. 

Noong Grade 11 ako ay naranasan ko tumira ng ilang buwan sa bahay ng Mamita Elvie ko dahil wala akong makakasama sa bahay namin at si Mama ay kailangan maiwan sa Saudi para maalagaan si Papa. Umuuwi rin naman ako paminsan-minsan sa bahay namin para mag-ayos at maglinis. Sayang nga lang kasi hindi man lang sumagi sa isip ko o i-take yung opportunity na magsolo living sa sariling bahay namin. Hindi rin kasi ako okay sa isang kapatid ko pero medyo personal na 'yon kaya bawal i-share rito pero ngayon nasa peace na kami. Hindi yan RIP ha. Nakakatuwa nga kasi sa pagtira ko kila Mamita Elvie ko ay dito ko naranasan yung family na sama-sama kahit saan sila magpunta at anuman na events katulad ng pupunta sila sa church every Sunday, makiki-Fiesta at sa pagcelebrate ng Christmas & New Year. 

Ano nga ba ang mga nagbago sa akin sa loob ng 2 years ko sa SHS?

  • Hindi na lang ako basta excited umuwi pero gustong-gusto ko na pumasok sa school. Hindi lang para mag-aral pero para makita ko rin mga classmates at close friends ko. 
  • Nakakaupo na ako sa harap.
  • Natututo na ako maging makiusyoso sa mga classmates at makipagdaldalan sa katabi ko.
  • Naeenjoy ko na rin yung mga group activities at field trips.
  • Hindi na tumatambay sa clinic at library kahit na walang dahilan.
  • I have my own companions na makakasama ko sa lahat unlike before na nakabuntot lang ako sa dalawang kaibigan ko noong JHS.
  • Dito ko rin naeexplore yung mga ibang talents at skills ko when it comes to Arts katulad ng acting, editing videos, script writing, etc.
  • Mas naramdaman ko na ang sinasabi nila na 'High School life'.
Gusto ko rin i-share yung mga ibang small yet unexpected memories ko na walang iba kundi si Lord ang nagplan para mas maging masaya at memorable pa ang SHS life ko. 

Grade 7 ako noon at may field trip kami ng March, 2013 dahil hindi ko pa kaya mag-isa. Sinamahan ako ni Mama at sa Laguna kami magfifield trip: Gardenia & Enchanted Kingdom. Nagenjoy naman kahit paano pero hindi masyado sa EK kasi hindi ako nakasakay sa mga extreme rides dahil wala rin ako kasamang sumakay. Kung si Mama naman, ninenerbyos kaya ang ginawa lang namin kundi kumain, maglakad, sight-seeing sa mga sumasakay sa extreme rides, picture-picture at bumili sa souvenir shop. 

Pero noong nagGr. 11 ako, nagkaroon din na field trip sa amin noon at hindi ko inaasahan na roon rin ang punta namin. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko kasama si Mama pero ang makakasama ko na ay yung mga close friends at classmates ko. Iyon bang second time mo pumunta roon pero parang naging first time mo pa rin.

Tapos noong Gr. 12 na ako at mage-eighteen na ako, ang original plan ko talaga ay hindi magdebut kundi magbirthday travel ganun pero sabi ni Papa sa akin na ngayon lang daw siya makakabawi sa mga namiss niyang birthdays ko na wala siya kaya um-okay na lang ako. Ang family ko lahat ang nagasikaso at konti lang ang nacontribute ko. Sabi ko pa nga noon na 'Hindi ko na kailangan magdebut kasi wala naman ako masyado na maiinvite kundi family & close relatives lang.' pero it turned out na yung mga mas inaasahan at naging parte ng SHS life ko ay present sila.


"With men this is impossible, but with God all things are possible."
Matthew 19:26

A/N: Hanggang dito muna ang kwento ko... No worries... marami pa ako ishashare na ibang parts na sana mamotivate at mainspire rin kayo sa simple life ko. ☺

2026-04-05

Spiritual Guide while Living in this World †


"Do not conform the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind."

- Romans 12:2 -


BEING MISUNDERSTOOD

John 15:18 - If the world hates you, keep in mind it hated Me first.

Psalm 7:8 - Vindicate me, Lord, according to my righteousness & my integrity.

1 Samuel 16:7 - People look at the outward appearance but the Lord looks at the heart.


TAKING 'THINGS' SERIOUSLY 

Ecclesiastes 7:21 - Do not pay attention to every word people say, or you may hear your servant cursing.

James 1:19 - Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry.

Proverbs 4:23 - Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it.

 

PEOPLE - PLEASING

Colossians 3:17 - Whatever you do, in word or deed, do everything in the name of the Lord Jesus.

Galatians 1:10 - Am I now trying to win the approval of human beings or of God? If I were still trying to please people, I would not be a servant of Christ.


CHOOSING FRIEND / COMPANION WISELY

1 Corinthians 15:33 - Do not be misled: "Bad company corrupts good character.

Psalms 26:4 - I do not sit with the deceitful, nor do I associate with hypocrites.


WHEN IT'S DIFFICULT TO TRUST NOWADAYS

Psalm 118:8 - It is better to take refuge in the Lord than to trust in humans.


WHEN SOMEONE HAS WRONGED YOU

Luke 23:34 - Father, forgive them for they do not know what they are doing.

Colossians 3:13 - Bear with each other and forgive one another. Forgive as the Lord forgave you.

Romans 12:19 - 'Do not take revenge... It is Mine to avenge; I will repay' says the Lord.


WHEN SOMEONE IGNORED / REJECTED YOU FOR NO GOOD REASON

John 15:18 - If the world hates you, keep in mind it hated Me first.

John 15:25 - They hated me without reason.


ASKING ON THE SPOT & SPEAKING TO MANY

Exodus 4:12 - Now therefore go and I will be with your mouth and teach you what you shall speak. 

Matthew 10:20 - For it is not you who speak but the Spirit of your Father speaking through you.


"If it is possible, as far as it depends on you, live at peace with everyone." 

- Romans 12:18 -



2024-08-24

a not-so-love letter 👼🏻

Hi Baste!

Do you still remember my nickname to you?

Alam mo ba kung saan ko nakuha ang 'Baste' dahil sa kakabasa ko sa wattpad nun hahaha at tignan mo nga naman tinatawag ko na sa'yo hanggang ngayon. Alam ko rin na ako lang ang tumatawag sa iyo niyan.

Paano nga ba nagstart ang friendship natin? Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung sino ba sa atin dalawa ang una nagapproach. Hahaha. Basta ang alam ko lang you were God sent to me.

Alam mo naman na 'loner' ako noon di ba sa school natin? I had two best friends pero hindi ko sila naging kaklase. Minsan lang kami nagkakasabay kumain dahil kasabay na nila kumain sa lunch yung mga kaklase at friend na rin nila kaya ako sumisingit lang ako kahit na puno na sila sa isang table. Nakakaloka noh?

Then everytime may activity at kailangan ng partner. Wala ako mahanap. Kung sino lang ang natira, sila na partner ko.

Until you came.

Grade 9 tayo nun at naalala ko na late ka na nakapagenroll. Naririnig ko rin sa mga kaklase ko nun na may 'New Transferee'. Inisip ko na baka ikaw na ang ipinadala ni Lord sa akin. Tapos narinig ko pa ulit sa mga kaklase ko nun na 'May mga naging kaklase ka pala sa mga kaklase ko.' So I felt a little bit of disappointment. Iniisip na 'loner' na naman ako.

Nung nagtransfer ka, gusto ko ako ang unang magapproach sa'yo pero naunahan ako at saka kaklase kasi natin yung dati mo kaklase nung Elementary yata. Kaya hindi na ako umasa na magiging magkaibigan pa tayo dahil may nakauna na eh. Saka as if naman magugustuhan mo akong kaibigan. Ang boring ko kaya kasama.

Pero mukhang naawa yata sa akin si Lord kaya hindi ko na alam kung paano nagsimula ang lahat. Naramdaman ko na lang na naguusap na pala tayo. Unlike noon na wala ako mahanap na partner pero bigla ka tumabi sa akin sabay sabing 'Tayo na ang magpartner' Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko nun. Hindi na rin kita tinanong kung bakit. Pero alam ko sa sarili ko na masaya ako dahil finally may partner na rin ako. 

Naalala ko rin na may group activity tayo nun sa P.E. Kailangan gumawa ng sariling 'waltz' dance at tayo ulit nagpartner nun. Tapos may isa tayong kaklase na kagroup natin na nakiusap sa akin na magpalit daw kami ng partner. Narinig mo rin yun. Yung kaklase naman natin I think pinapili ka pa niya kung sino sa amin dalawa. Sa totoo lang, kinabahan ako nun kasi first of all, comfortable na ako sa'yo at first time ko naramdaman yung ganung feeling. Pero ako pa rin ang pinili mo. Hindi na ulit kita tinanong dahil mas lamang ang kasiyahan ko nun. Kaya nga everytime naririnig ko ang 'Can I Have This Dance?' ng HSM 3, ikaw ang naaalala ko eh.

Meron pa... nung malapit na Valentine's Day, nagpagawa ng valentine card ang English Teacher natin noon at ibigay daw kung sino man gusto mo pagbigyan. Ikaw agad ang pumasok sa isip ko nun pero ako, expected ko na wala magbibigay sa akin. Hahaha. Nung bigayan na ng valentine card, lalapitan na sana kita para ibigay ko yung para sa'yo. Pero sa hindi na naman inaasahan, lumapit ka at may inabot ka sa akin. Isang medium yellow envelope at sa loob ay kulay green na paper na may mga red hearts. Sabihin man ng iba na simple lang yun. But no. Hindi lang basta simple yun dahil iyon ang unang bigay mo sa akin at iyon din ang first letter na nareceive ko sa Valentine's Day from a guy friend.


Kung nandito ka pa sana, ipapakita o isesend ko sa'yo through messenger na nakatago pa yung letter mo sa akin. Sana ganun ka rin sa akin. Kahit wala ka na, nakatago pa rin sana yung letter ko para sa'yo. Sabi mo pa nga roon sa letter mo sa akin, "Give your love to the one who deserves it." Alam mo ba wala pa nakakapagsabi nun sa akin. Ikaw pa lang. Kaya nung nabasa ko iyon, sabi ko sa sarili ko. Kung dumating na yung magiging first boyfriend ko at ang lalaki na nakalaan para sa akin, ipapakilala kita sa kanya kahit sa picture na lang. At saka kung sakali man na nagkaanak ako ng lalaki (kung meron man). Ipapangalan ko rin siya ng 'Sebastian'. Deserve mo maalala, Baste. Ikaw ang first answered prayer ko nung nagiisa ako. 🦋

Yung JS Prom natin, hindi ko na naman inaasahan na first dance natin ang isa't isa. Huhuhu. Grabe ka talaga!

Tapos nung Grade 10 na tayo, bumalik ka na ulit sa dati mong school sa PUI. Oo, naging malungkot ulit ang buhay ko pero nakakatuwa pa rin kasi hindi natatapos ang communication natin dalawa. Sayang nga lang dahil hindi man tayo lumabas para kumain at for bonding na rin. At saka nung malapit na tayo magSHS, ikaw ang unang sinabihan ko na sa UPang ko na itutuloy SHS ko tapos sabi ko pa sa UPang ka na rin at naalala ko na nagshift ako ng ABM kasi gusto ni Mama kunin ko sa college ay HRM kaya lang bumalik ulit ako ng STEM.

Ikaw din ang unang kaibigan ko na tumawag at nakipagvideo call sa akin nung pumunta kami sa Saudi A. Naalala ko rin na humihiling ka ng pasalubong na bag. Nagsend ka pa ng picture nun. Hahaha. Sabi ko 'Ano ako? OFW? Hindi pa nga ako tapos eh.' Kaya chocolates na lang pasalubong ko muna sa'yo pero hindi ko naibigay. ☹️ Tanga ako eh! 😭💔

Sorry, Baste, Sorry..... Hindi ko alam na ganun pala. 😶 Nagulat na lang ako nung chinat ako ni ate Vannessa na 'Wala ka na..." Sa una, hindi ako naniwala pero nung binisita ko ang Profile mo. Like shit. B-Bakit? P-Paano? Alam mo ba nung kinabukasan na yun ay exam namin. Hindi ako masyado nakapagreview nun dahil ikaw ang nasa isip ko at kung ibabalik ko lang time na yun 'Sana hinintay ko na lang kayo ng kasama mo para maibigay ko sa'yo yung gift ko para sa'yo.' Kahit sa  huling pagkakataon ay napasaya kita but it was too late. 🤐

Kaya rito ko natutunan yung "It's now or never" at kapag may gusto kang ibigay na regalo sa isa sa mga mahahalagang tao sa buhay mo ay "It's better to give than regret later." ☺


2024-07-01

Who am I really...


Early - Middle Childhood

  1. When Maybel was still a baby, she's not a crying baby, always smiling & giggling if someone makes her laugh.
  2. Pinaggigilan dahil cute
  3. Tahimik na bata
  4. Umiiyak kapag inaasar o inaaway siya
  5. Mahilig maglaro kahit mag-isa niya lang.
  6. Marunong nang mag-ayos at maglinis ng bahay pati magbuhat ng gamit.
  7. Gusto niya organized lahat ng mga gamit tulad ng mga tsinelas, nakahilera iyan.







Adolescence - Young Adulthood

  1. Mahiyain 
  2. Like Mama, she also has uncontrollable laughter, and bedroom is her comfort zone.
  3. Hindi paakar (Aalis lang ng bahay kapag uutusan o may importanteng lakad.)
  4. Organized sa mga gamit.
  5. Binibilang muna ang mga lalabahang damit niya.
  6. Hindi mapili sa pagkain.
  7. Trustworthy
  8. Caring
  9. Generous
  10. Humble
  11. Secretive (Iisipin muna kung dapat ba sabihin o hindi.)
  12. Sweet
  13. Mahilig sa mga surprises 
  14. Mahilig siya manood ng mga nakakatawa
  15. Manlilibre siya kapag may sapat siyang pera.
  16. Pinapahalagahan niya kahit napakaliit na bagay kapag may binigay ka sa kanya.
  17. Kapag naggrocery o namalengke kami, gusto niya siya ang magbubuhat ng pinamili.
  18. Appreciative in everything 
  19. She makes me laugh by sharing some funny jokes, memes or stories.
  20. Friendly but too selective sa mga taong nakakahalubilo niya.
  21. Hindi mapili sa damit na isusuot. Sometimes, she will ask me kung okay ba yung suot niya o hindi.
  22. She could tolerate criticism from other people but deep inside, she would take it personally, overthink & got emotional.
  23. When she is curious something, she will go to me like...

           Maybel: Ma, pwede magtanong?
           Mama: Ano 'yon? (Feeling nervous because sometimes I cannot give her an exact answer that she wants to hear.)
    24. You need to be attentive listener when you are having a conversation with her.
    25. Ayaw niyang ipalinis at ipaayos yung kwarto niya. Gusto niya siya lang.
    26. Laging nagdadoubt sa sarili at minsan, advance mag-isip (Yung hindi mo pa nga iniisip, iniisip na kaagad niya.)
    27. Being lazy & stubborn sometimes when she's not in the mood to listen.
    28. Being mischievous when she's in the good mood such as acting like a kid or playing prank.
    29. Too talkative (Yung inaantok ka na pero siya gusto niya pa makipagkwentuhan.)
    30. Nagdideactivate ng social medias niya especially Facebook & Messenger kaya minsan hindi siya macontact.

 First JS Prom (Grade 7) 

 18th Debut 
(February 10, 2018)

First birthday travel with my closest friends 
 at Strawberry Farm, 
La Trinidad, Benguet, Baguio City
(February 09, 2019)

Birthday Travel with Mama at Wright Park, 
Baguio City (February 09, 2020)

2024-06-25

•ᴗ•


"To help yourself, you must be yourself. Be the best that you can be. When you make a mistake, learn from it, pick yourself up & move on."

- David Pelzer


1. Embrace yourself, your imperfections, your uniqueness & CHANGES

  • No negative self-talk. Learn what to improve.
  • Nobody & nothing is perfect in this world.
2. Trust your instincts

3. Listen more, Talk less

4. If you're unwell (mentally & emotionally) …

  • Go to your room or somewhere else 
  • Take a deep breath 3x
  • Drink water
  • Listen to music or watch funny shows
  • Jot down your (any kind of) thoughts & feelings
  • Cry 
  • Sleep 

5. Respect yourself before others.

  • Do not belittle or outdo others (Not doing this but I just want to include it.)
  • Respect opinions & privacy
6. Take care of your appearance & Guard your character 

7. Stop people-pleasing!

  • Normalize that not everyone will like the way you are. Cool ka lang, ganern!
8. You cannot control how some people will treat you or what they'll say about you, but you can control how you react to it. 

9. Don't let your emotion to control you.

10. It's okay to be nonchalant when it comes to criticism, gossip & sarcasm.

11. Be grateful in everything or what God has offer to you.

12. When God is being patient with you then be patient with others too.

13. If you want to build a happy, peaceful and successful relationship with yourself or with your significant other, remember the word: A.R.T.S. (Acceptance. Respect. Trust. Stability).

14. Pray.

  • Lagi naman available si Lord Jesus na makinig at tulungan tayo basta wag lang kalimutan na tulungan din ang sarili.