I am Mary Isabel M. Gubatan and I was born on 07 February, 2000 at Dagupan City, Pangasinan. My parents are Jonas & Marlene Gubatan. I have one brother & one sister so yeah I am the youngest. Ang nakakaloka lang ay 15-16 years ang age gap ko sa mga kapatid ko. O di ba ang layooo! Ewan ko ba sa parents ko kung bakit ganyan ang napili. Haaay..
Sabi ni Mama, bata pa lang ako ay well-behaved na ako at marunong na ako sa gawaing bahay at magayos ng mga gamit na hindi pa ako natuturuan. Awww. Sana all! Mahilig din ako maglaro noon pero hindi yung inaakala niyo na palaging nagbibilad sa araw at naglalaro sa kalye kundi maglaro ng Pretend Play katulad ng bahay-bahayan, luto-lutoan, teacher-teacheran, doctor-doctoran, etc. Kung wala naman yung mga kalaro ko ay naglalaro pa rin ako mag-isa with my stuff toys at minsan kapag may time, nakikipaglaro sa akin si Mama at yung dalawang kapatid ko sa akin.
Hindi ko rin masyado naramdaman yung pagdisiplina sa akin ng mga magulang ko sa akin. Naging cool nga lang yung parents ko sa akin eh while embracing me with their love, care & protection. Kung inaakala niyo na spoiled ako dahil bunso ako. Nagkakamali kayo. Kaya nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit hindi ako gaano nadisiplina ng mga magulang ko ay lumaki pa rin ako na mapagmahal, malambing at masunurin na anak sa kanila hanggang ngayon na malaki na ako.
Noong nagJuñior High School na ako, masasabi ko na ang boring ng 4 years ko sa High School. Why? Inaamin ko rin na hindi ako yung inaakala niyo na mahilig magrecite sa klase, lapitan ng mga classmates kasi attractive o matalino, binoboto na maging officer sa klase, palaging hakot awards sa recognition day at active sa school organizations.
Hahaha A BIG NO-NO. Kabaliktaran ako sa lahat. Tahimik. Mahiyain. Average. Inactive. Incompetent due to lack of determination & not being Goal-driven. Unattractive (kahit hindi maging palaayos). Unpopular.
Ang naalala ko lang na nagawa ko noon...
- Tinatamad pumasok sa school kaya nalalate at excited kapag uwian time na.
- Laging gusto umupo sa likod sa dulo.
- Mahina sa Math at English kaya lagi nasa remedial & summer class
- Walang macall a friend o makausap sa loob ng classroom kahit friendly naman ako at hindi nangangain ng tao pero favorite asarin ng mga kaklase.
- Pasimpleng tumatakas kapag may recitation at magsasakit-sakitan para makapunta sa clinic, lalapit sa Teacher at ibubulong yung mababang score sa quiz sabay sabing 'Ma'am, may I go to lavatory?'
- Mahilig tumambay sa library after lunch kapag may remaining time pa at during 3pm breaks bago magklase ulit either magrereview, pasimpleng matutulog o makikipagusap sa librarian.
- Laging nakabuntot sa dalawang kaibigan ko noon kahit never kami pinagsama sa iisang section.
- May mga sinalihan din akong school org katulad ng Book Club (Grade 8) & Liturgical club (Grade 9) pero noong Grade 10, wala na.
O di ba, ang saya? Ganyan lang ang naging buhay ko. Nothing interesting. I'm just a chill yet lonely student during my JHS days.
Noong nagSenior High School na ako ay doon na nagbago ang buhay ko. Parang nagkaroon ng rainbows sa mala-black & white kong buhay noon. Praise God kasi pinasagi niya sa isip ko na lumipat na akong ibang school at iwan na lahat kung anuman ang mga hindi naging maganda na memories ko sa dating school.
Masasabi ko na lahat ng pinangarap ko sa 4 years ko sa JHS ay tinupad ng Lord sa dalawang taon. Dito lumabas yung extroverted side ko at yung pagiging bubbly ko na akala ko noon wala sa akin.
Noong Grade 11 ako ay naranasan ko tumira ng ilang buwan sa bahay ng Mamita Elvie ko dahil wala akong makakasama sa bahay namin at si Mama ay kailangan maiwan sa Saudi para maalagaan si Papa. Umuuwi rin naman ako paminsan-minsan sa bahay namin para mag-ayos at maglinis. Sayang nga lang kasi hindi man lang sumagi sa isip ko o i-take yung opportunity na magsolo living sa sariling bahay namin. Hindi rin kasi ako okay sa isang kapatid ko pero medyo personal na 'yon kaya bawal i-share rito pero ngayon nasa peace na kami. Hindi yan RIP ha. Nakakatuwa nga kasi sa pagtira ko kila Mamita Elvie ko ay dito ko naranasan yung family na sama-sama kahit saan sila magpunta at anuman na events katulad ng pupunta sila sa church every Sunday, makiki-Fiesta at sa pagcelebrate ng Christmas & New Year.
Ano nga ba ang mga nagbago sa akin sa loob ng 2 years ko sa SHS?
- Hindi na lang ako basta excited umuwi pero gustong-gusto ko na pumasok sa school. Hindi lang para mag-aral pero para makita ko rin mga classmates at close friends ko.
- Nakakaupo na ako sa harap.
- Natututo na ako maging makiusyoso sa mga classmates at makipagdaldalan sa katabi ko.
- Naeenjoy ko na rin yung mga group activities at field trips.
- Hindi na tumatambay sa clinic at library kahit na walang dahilan.
- I have my own companions na makakasama ko sa lahat unlike before na nakabuntot lang ako sa dalawang kaibigan ko noong JHS.
- Dito ko rin naeexplore yung mga ibang talents at skills ko when it comes to Arts katulad ng acting, editing videos, script writing, etc.
- Mas naramdaman ko na ang sinasabi nila na 'High School life'.
Gusto ko rin i-share yung mga ibang small yet unexpected memories ko na walang iba kundi si Lord ang nagplan para mas maging masaya at memorable pa ang SHS life ko.
Grade 7 ako noon at may field trip kami ng March, 2013 dahil hindi ko pa kaya mag-isa. Sinamahan ako ni Mama at sa Laguna kami magfifield trip: Gardenia & Enchanted Kingdom. Nagenjoy naman kahit paano pero hindi masyado sa EK kasi hindi ako nakasakay sa mga extreme rides dahil wala rin ako kasamang sumakay. Kung si Mama naman, ninenerbyos kaya ang ginawa lang namin kundi kumain, maglakad, sight-seeing sa mga sumasakay sa extreme rides, picture-picture at bumili sa souvenir shop.
Pero noong nagGr. 11 ako, nagkaroon din na field trip sa amin noon at hindi ko inaasahan na roon rin ang punta namin. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko kasama si Mama pero ang makakasama ko na ay yung mga close friends at classmates ko. Iyon bang second time mo pumunta roon pero parang naging first time mo pa rin.
Tapos noong Gr. 12 na ako at mage-eighteen na ako, ang original plan ko talaga ay hindi magdebut kundi magbirthday travel ganun pero sabi ni Papa sa akin na ngayon lang daw siya makakabawi sa mga namiss niyang birthdays ko na wala siya kaya um-okay na lang ako. Ang family ko lahat ang nagasikaso at konti lang ang nacontribute ko. Sabi ko pa nga noon na 'Hindi ko na kailangan magdebut kasi wala naman ako masyado na maiinvite kundi family & close relatives lang.' pero it turned out na yung mga mas inaasahan at naging parte ng SHS life ko ay present sila.
"With men this is impossible, but with God all things are possible."
Matthew 19:26
A/N: Hanggang dito muna ang kwento ko... No worries... marami pa ako ishashare na ibang parts na sana mamotivate at mainspire rin kayo sa simple life ko. ☺
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.