Pages

2026-09-10

A Stranger to Myself (Part II)

Hindi ko akalain na nagsa-suffer pala ako sa identity crisis mula noong high school pa ako. Mas lumala lang noong college. Sa totoo lang, nalaman ko lang ito ngayong nasa Mid-20s na ako. 

Nagsimula yan nung after Pandemic, hindi ko na alam kung tama pa ba ang iniisip o ginagawa ko. Hindi ko alam basta ang nararamdaman ko noong time na 'yon ay para akong lumulutang sa ere at wala ako sa sarili (not in a way na nababaliw) tulad ng sinasabi nila sa akin noon. I-highlight ko na lang kung ano yung mga nangyari at nagawa ko.

2021:

1. I punished myself because I feel like I don't deserve everything and most especially to live.
2. Katatapos lang ng 2nd semester (3rd year college), naisipan ko na hindi muna magInternship agad. Mabuti na lang kasi sumang-ayon yung panahon sa akin: una, si Ate ko ay nangangailangan pala ng malaking pera at pangalawa, sabi rin nung isa sa mga Prof ko na hindi worth it ang online internship.
3. Heto nagcollege break muna ako, nasa bahay lang ako at mabuti rin dahil nagupload pala ng mga full episodes ng Pepito Manaloto ang Youlol at yung Be Careful With My Heart sa IWantTV (hindi ko lang natapos yung BCWMH kasi need na magbayad) kaya kahit paano ay may pinapanood ako na nagpapagaan ng anxiety ko. 
4. Kapag hindi ako makatulog dahil inaatake ako ng anxiety ko, tumatabi ako kay Mama para roon matulog. 

2022:

1. Kakastart lang ng New year at nabanggit sa akin ni Mama na nangangailangan daw ng kamag-anak namin ng reliever na magaalaga kay Lola (Auntie nila Mama) sa hospital. Nagvolunteer ako kasi wala rin naman ako magawa sa bahay at para madivert ulit ang sarili ko.

    Fast forward, tumira ako ng 1 month sa kamag-anak namin pero doon ako pinatulog sa bahay nila Lola kasi may bakanteng kwarto roon. Sa totoo lang, pwede naman ako umalis after ng hospital pero ewan ko ba kung bakit pinili ko magstay hanggang sa makauwi si Lola. Tapos noong 2nd-3rd week of February ay doon na nagstart ang problema sa dalawang caregivers ng dalawang Lola at hindi ko ulit alam ang gagawin ko noong time na iyon kaya nagdecide ako na umuwi muna sa bahay namin. 

2. Bumalik na rin ako sa college para maituloy yung nasimulan kong course at bago raw ako magintern ay may mga kailangan pa akong itake na tatlong subjects. 

2023:

This is it!!! Intern na rin ako! Syempre, nagpray muna ako sa Lord na 'Sana sa huling taon ko sa college ay maging memorable at may mga mameet at maranasan ko ulit yung parang sa SHS.' and you know what he answered my prayer. That's where I met kuya Alwind na naging guide namin, ate Jem na prayer warrior, Iverson na Techie guy, hindi madamot sa knowledge at mahilig mag-ayos ng mga bagay & Sherwin na nagpapa-balance sa lahat. Sa totoo lang, isa sila sa mga dahilan kung paano ko natutunan maging confident despite of imperfections, handling difficult people and having a self-awareness.

Share ko lang din yung last church namin ni ate Jem bago siya umuwi sa province namin. Nasa Manila kami that time. Napansin ko kasi na parang teary-eyed siya and then I asked her why tapos tumingin siya sa akin with a smile sabay sabing "I hope you will find the light, Bel." dahil medyo sarado pa yung isip ko noong time na iyon kaya parang insult ang dating sa akin pero pinili kong hindi magsalita about doon. Then after almost 3 years, doon ko narealize kung ano yung 'Light' na sinasabi niya sa akin pero bibitinin ko muna kayo ngayon.

2024:

1. Finally!!! College graduate na rin ako noong January 27, 2024. Alam niyo ba hindi ko talaga naramdaman yung excitement noong grumaduate ako kahit kasama ko pa si Mama noon. Hindi ko rin alam kung bakit. Binigla ko nga lang ang nanay ko na Graduation ko na bukas eh. Wala man lang excitement, effort at readiness. Basta matapos lang yung araw na iyon ay okay na. Wag niyo ako awayin ha. Maski ako hindi ko talaga alam kung bakit naging ganyan ako. 

2. March 2024: Hindi ko alam kung bakit napadownload ako ng Bible app sa phone ko at nagsearch kung paano basahin ang Bible at saan magsisimula kasi marami eh. Then I started to read Book of 'John'. Habang nagbabasa ako, para kang nanonood ng horror movie pero hindi dahil sa goosebumps na nararamdaman mo at ang mas tumagos na salita sa akin ay yung sinabi ni Jesus na "If the world hates you, keep in mind it hated Me first." (John 15:18) Doon na rin nagstart yung pakikinig ko ng worship songs. Noong natapos kong basahin yung Book of John ay nandoon pa rin yung attack ko hanggang sa nagdecide na ako na gumawa ng blog at kilalanin ang sarili ko kaya roon nagstart yung pagkakaroon ko ng self-awareness.

3. Naisip na namin ni Mama na ituloy na yung plano na magkaroon ng 'Sari-sari store' para hindi rin kami palagi sa kwarto. 

4. Nagpatingin na rin ako sa Psychiatrist para maresetahan ako ng gamot na dapat sa 2021 pa pero hindi ko na tinuloy at kahit paano naman ay may konting improvement pero nandoon pa rin yung attacks ko.

2025:

1. Bumalik ulit ako sa school para magtake na ng Pre-board exam para matapos na at thankfully because I miraculously passed. 
2. Nagtry na rin ako magtake ng board exam pero hindi ako nakapasa dahil na rin sa mga attacks ko at hindi pa rin ako ready.
3. Sinubukan ko rin maghanap ng trabaho dahil inaamin ko na may mga naging utang ako na kailangan kong bayaran at para kahit paano makahanap ulit ako ng diversion pero wala tumatanggap sa akin dahil sa wala akong work experience.
4. August 06, 2025: Nagkaroon na ako ng work at dito na ulit nagbago ang sarili at buhay ko.

Noong second day ko sa work yung señior work colleague / mentor ko ay pinabunot ako sa mga bible verses at ang nabunot ko ay "Submit yourselves to God then resist the devil, and he will flee from you." (James 4:7) Hindi ko ulit maintindihan kung bakit iyan ang nabunot ko pero alam niyo ba sa ilang buwan ko sa work ko, doon ko rin narealize kung ano pala ibig sabihin niyan at kung bakit sinabi rin ni ate Jem sa akin na mahanap ko yung 'Light' kasi may malaking puwang pa rin sa puso at sa buhay ko kahit na naniniwala at nagtitiwala ako sa Kanya pero hindi pala Siya yung center.


“I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, 
but will have the light of life." 
- John 8:12 -

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.