Naikwento ni Mama sa akin na kapag nagpupunta raw kami sa bahay ng Parents' house ni Papa at nakikita ako ni Lola Maura nung maliit pa lang ako ay tawag sa akin 'Chabelita'.
Favorite raw kasi panoorin ni Lola yung Mexican telenovela na "Gotita de Amor" at parang ako raw yung bata na Chabelita na pangalan.
Sa totoo lang, nalaman ko lang din iyon 2 years ago kaya ginamit ko na rin yung 'Chabelita' at para na rin pahalagahan yung nagiisang memory ko sa Lola ko kahit hindi ko pa talaga siya nakabonding dahil super duper liit ko pa noon. Si Mama lang ang nagkukwento sa akin.
Bagay din naman sa akin, di ba?
Chubby + Isabela + Maldita = CHABELITA HAHAHAHAHA 🤣 Pero baka maniwala kayo na 'Maldita' talaga ako. Minsan lang. 😂
Bakit Blog at hindi Vlog dahil iyon na ang uso ngayon?
Awkward kasi ako humarap sa camera. Hindi rin ako ganun kaconfident. Isa sa mga kaartehan ko kapag sarili ko na ang usapan.You know what I mean. Not pretty to see. At saka mas gusto kong sinusulat yung stories, thoughts at feelings ko kaysa magsalita at least pwede pa iedit, di ba?
Bukod sa pagiging clumsy, minsan nagiging careless din ako sa words ko. Yung hindi mo naman intensyon sabihin pero iyon ang lumabas sa bibig mo.
Isa pa, ang nakapaginspire sa akin na magblog ay si Maine but of course, with my own content.
Hindi lang dahil nainspire ako pero gusto ko rin magblog and here's my few reasons:
• To leave something in this world that created by me and my loved ones would always remember me.
• To understand myself more and to look back on how I changed for the better, healthier & stronger person.
• To inspire & motivate others from my simple yet meaningful entries & stories of my life.
• To the people who's interested to get to know me deeply.
Iyon lang naman. 😊