2024-08-25

💎


July 15, 2024


To My Instant Guardian Angel,


     Hello ate!!! How are you? Sana happy, healthy & safe kayo palagi. By the way, bakit nga po ba 'Instant Guardian Angel' ang sinabi ko? Totoo naman po eh kasi isa po kayo sa mga God sent para sa akin at isa rin po kayo sa mga answered prayers ko noong nagiisa na lang po ako sa huling taon ko sa college. Familiar na po siguro tayo sa isa't isa noon pero hindi lang muna po tayo binigyan ng tadhana ng time para magkakilala na dalawa. Minsan iniisip ko pa rin kung right time ba ang pagkakilala natin dalawa?

    Gusto ko nga po humingi ng pasensiya sa inyo dahil hindi ko po nasabi agad sa inyo noong una tayo nagkita at nagkausap na may pagkaoverthinker, oversensitive at pessimist po ako na tao kaya nung kalagitnaan po ng pagsasama natin ay siguro nabigla rin kayo sa akin. Sa totoo lang po, may mga similarities naman tayong dalawa. Pareho tayong Introvert, Quiet, Adventurous, Bubbly, Caring, Generous, Organized, Trustworthy & NBSB but we also have a different personalities: C.O.C.O.A kayo means (Calm, Open-minded, Confident, Optimistic, Assertive) and flexible person at ako naman, kabaliktaran niyo 😂 (Turbulent, Moody, has a low self-esteem & has difficulty to let go of my hurtful past).

   Ang isa pa natin na pagkakapareho ay we give glory to God for all the beautiful things that He has given to our own lives... kahit medyo lost ako sa sarili ko at nasa negative side pa rin ako. Ang pinakanaapreciate ko rin talaga sa inyo ay yung kahit naipakita ko na sa inyo ang vulnerability & weaknesses ko sa inyo but you still remain cool, consistent, forgiving, nonjudgmental & always ask guidance & strength to our Lord Jesus Christ for overemotional person like me. Grabe kayo. 😭 Kahit minsan sobrang nahihiya na ako sa inyo dahil hindi ako yung tipong basta-basta ko pinapakita ang weaknesses ko sa iba. Masasabi ko rin na you're one of the few people na kahit naiiba ako sa lahat sa mga nakilala niyo pero naramdaman ko pa rin yung appreciation niyo sa akin. 🌻

   Alam niyo rin po ba kahit wala kayo masyadong sinasabi sa akin pero kapag naiisip ko kayo parang naiinspire ako sa inyo. Sa totoo lang, may mga kaibigan na po ako na nonchalant at pinagsasabihan din ako madalas ni Mama pero hindi ko pinapansin at hindi ko rin naman maintindihan  pero pagdating sa inyo, iniisip ko lang kung paano niyo iexpress ang sarili niyo sa ibang tao ay natututo kaagad ako. Siguro nga kayo ang pinadala ni Lord sa akin para matulungan at matuto ako sa inyo kung paano magkaroon na ng character development sa sarili ko and sabi rin kasi ni Lord na 'It's time' to accept & love myself. Isn't amazing? 👏

   Thank you so much for your motivation, patience, prayer & understanding when you were with me for three months. Three months pa lang nagkakilala pero marami na kayo naituro sa akin tulad ng kung paano ihandle at alagaan ang sarili physically, mentally, emotionally & socially (Pati paggamit ng Google Map, kayo rin ang unang nagturo sa akin. 😂) and I already felt the deep yet genuine connection between us. You're one of the authentic, best & unforgettable people that I met during our internship years. Praying you for good health, success on your career & love and more blessings to come in your life at sana marami pa kayo mainspire na katulad ko because YOU DESERVE ALL! 💝

      

                                ~ Yung walang katapusan na pagpapatugtog noong June 2023 😁


Here's my favorite photo of you that captured by me 
with beautiful sunset & irritating photobombers ☺